Kids nowadays are so into romantic stuffs. Take for instance my little brother na grade six pa lang ngayon ay kung anu-ano ang pinagsasabi sakin tungkol sa love. Na dapat daw kasi bawasan ko ang katarayan ko para hindi matakot ang mga boys, na dapat daw learn to appreciate the simple things that guys do, na kailangan daw na mas maging transparent ako, at kung anu-ano pang ka-echusan ng kapatid ko.
Na windang naman ako sa kanya. Tatanungin ko sana kung saan nya naman nakuha iyong mga iyon kaso umalis na at may pupuntahan daw. Chus, if I know magnenet na naman para i-chat sa facebook iyong crush nya na ilang lakaran lang naman ang layo ng bahay mula sa amin. Haynaku lang. Garbe. As in garbe na talaga ang mga bagets, hindi ko na sila magets! Well, hindi pa naman ako sobrang matanda (haha.. sabay ganun) pero kasi sa pagkakaalala ko noong grade six ako all I cared for ay ang paglalaro; panunuod ng cartoons; pagtambay sa bahay; at matulog.
Wala pa sa akin iyang kras - kras na iyan. Masaya na talaga ako dati sa anime (hehe). Pero ngayon kahit saan ka magpunta at kahit sinong bata ang tanungin mo, aba, ang dami nang alam tungkol dyan sa crush at sa love. Siguro bunga na rin ito nang impluwensya ng media. Siguro pati narin ng globalization (naks! Ano daw?).
Pero seryoso, sa tingin ko ang lahat nang ito ay hindi maganda para sa murang isip ng mga bata. Bakit? Kasi at their age dapat hindi muna nila iniisip iyong mga ganyang grown-up things. Ang dapat sa kanila ay ini-enjoy muna ang pagkabata. Kasama na dito ang paglalaro, pagsasaya, at pangangarap. Kasi pagtanda nila mahirap nang balikan ang mga iyon. Kapag kasi adult ka na doon na mararanasan ang mawalan na nang oras para maglaro, para mag-enjoy. Mararanasan na rin dito ang sobrang masaktan o kaya ay mawasak o mawalan na nang ganang mangarap. Kapag bata kasi daw kasi kadalasan idealist pa, kapag matanda na realist na.
Kaya nga sinasabi ko sa kapatid ko na huwag magmadali, na he will be an adult rin naman, na ang dapat nyang gawin ngayon ay i-enjoy ang pagkabata. Pero syempre, dahil sa matigas ang ulo ng kapatid ko at dahil na rin siguro sa kadalasang iniisip ng mga bata na kapag matanda na ay they can do whatever they want, hindi nakikinig sya nakikinig sa akin. Gusto na raw nya lumaki kaagad para magawa niya ito, magawa nya iyan. Hay, ewan. Minsan gusto ko na rin sumuko at pabayaan sya, pero syempre hindi pwede. I just hope na with my constant reminder ay maiintindihan at marealize nya iyong sense ng mga sinasabi ko.
0 comments:
Post a Comment